Back

Sabi Nila Tab

by Agaw Agimat


Sabi Nila - Agaw Agimat

Intro: Chorus 

Sabihin ma nila 

Ako ay bata pa 

Di ko pa raw alam
     
Kung paanong
              
Umibig sa kanya
             
Sa karanasan daw 

Ako ay hilaw pa
 
Mag-aral ka pa 
                
Yan ang sabi nila...Ohhh....

Stanza I

Marahil sa isang punto 

Sila ay tama

Marahil sa karanasan 

Ako ay hilaw pa nga
A--
Dahil di ko pa naranasan 

Buhay ko'y itaya
B--
'Di ko pa naranasan 

Sumagupa sa tingga

Stanza II (same chords as Stanza I)
Maaring kulang din
Ang aking pagkaunawa
Sa mga suliranin 
Ng ating bansa
Maaring kulang din
Aking kaalaman
Sa iba't ibang daing ng ating sambayanan

*repeat Chorus

Stanza III (same chords as Stanza I)
Ngunit dahil b kulang pa 
Ang aking karanasan
At marami pa kong
Dapat pag-aralan
Ang pag-ibig ba nila'y
'Di ko kayang pantayan
Para sa akin ito'y
Isang maling kaisipan

Stanza IV (same chords as Stanza I)
Ang pag-ibig
Sa bayang kinagisnan
Ay sa puso 
At hindi sa isip lang
Ito'y nararamdaman
At hindi napag-aaralan
Ito'y walang kinikilalang
Edad kailan man

*repeat Chorus 2x