I. Heto na naman Nag-iisip, minsa'y nagtataka Na sa 'kin na ang lahat Bakit nangungulila II. At nang makita ka Ibang sigla ang nadarama Pag-ibig nga ba ito -, Ako'y nangangamba Refrain I: Nais kong ipagtapat sa'yo Sana'y dinggin mo Ang lihim ng pusong ito - Kahit na tayo'y magkaibang mundo Chorus: Ikaw nga ang syang hanap-hanap Kay tagal na ako ay nangarap Lumuluhod, nakikiusap , Ako ay mahalin mo sinta Ikaw nga ang syang magbabago Sa akin, sa aking buhay Handang iwanan ang lahat (upang makapiling ka / para lang sa'yo) sinta III. Nang makilala ka Ibang saya ang nadarama Alam kong pag-ibig ito, Anong ligaya Refrain II: Nais kong ipagtapat sa 'yo Sana'y pagbigya't Dinggin ang puso kong ito Kahit na tayo'y magkaibang mundo upang makapiling ka sinta ..